Pakikilahok at Bolunterismo
Pangkat: Pangkat 2
Miyembro:
- Ariola, Julian Mari Carlos
- Alegado, Joana Marie
- Babilonia, John Joshua
- Baclor, Erika Mae
- Ferrer, Roland
- Ramos, Reign
- Simeon, Kryzeah Edry
Intro:
Kalat dito. Kalat doon .
Isa ito sa mga pangunahing problema ng Dasmarinas National High School. Hindi maganda sa paningin at maaari ring makapagdulot ng mga sakit sa kung sino man na nasa paaralan. Ang aming grupo ay naniniwala na ang kalinisan ang solusyon upang hindi tayo maging "target" ng mga "bacteria" at "virus". Ngunit hindi naman maisasakatuparan ito kung walang magboboluntaryong pasimulan ang pagkamit ng kalinisan sa paaralan.
A. Tsart
Pangalan
|
Talento
|
Paano gagamitin?
|
Ariola, Julian
Mari Carlos
|
Magaling sa Agham.
|
Natutulungan ang
iba sa pag-aaral ng asignaturang Agham, nakapagbibigay ng konkretong sagot sa
mga tanong.
|
Alegado, Joana
Marie
|
Malikhain.
|
Nagiging malikhain sa bawat awtput at sa mga
bagay-bagay na maaari ring maituro sa iba pa.
|
Babilonia, John
Joshua
|
Magaling sa
Matematika at Agham.
Tumutugtog ng mga instrumento.
|
Nakakatulong sa iba
na mapalawig at mas maintindihan ang ibang leksyon sa Matematika at Agham.
Tumutugtog sa simbahan.
|
Baclor, Erika
Mae
|
Magaling gumuhit.
Magaling na manunulat.
(Journalism type at Creative Writing)
|
Naibabahagi niya ang kaniyang mga saloobin sa
pagsulat at pagguhit. Nagiging inspirasyon siya ng iba at napapasaya niya ang
ibang tao.
|
Ferrer, Roland
|
Magaling
mag-lettering at magdrawing.
|
Natutulungan ang
iba sa paglelettering ng mga proyekto o awtput. Naibabahagi niya ang kanyang kakayahan.
|
Ramos, Reign
|
Magaling sa pagguhit.
|
Naibabahagi niya at natuturuan niya ang ibang
tao upang gumuhit .
|
Simeon, Kryzeah
Edry
|
Pagiging isang
manunulat.
(Journalism type at
creative writing)
Kakayahang
magpaliwanag at magpalalim ng mga sagot.
|
Naibabahagi ang mga
nararamdaman at nairerepresenta ang paaralan sa Campus Journalism. Natuturuan
ang mga bata o ibang gustong matuto kung paano sumulat.
Mas naiintindihan
ng iba ang isang bagay kapag pinapaliwanag ng mas maayos at pinapalalim.
|
B.
1. Ano ang boluntaryong gawaing isinagawa?
Ang aming isinagawa ay boluntaryong paglilinis sa loob ng silid-aralan pati na rin sa iba pang bahagi ng paaralan.
2. Saan isinagawa?
Isinagawa ang boluntaryong gawain sa Dasmarinas National High School.
3. Bakit ito napiling gawin?
Napili namin itong gawin sapagkat kami mismo ay naaapektuhan ng maduming kapaligiran. Halimbawa na lang ay sa klasrum, kadalasang napakarumi ng aming silid-aralan dahil hindi ito nalilinis ng maayos. May mga nakatoka mang maglilinis sa bawat araw, hindi pa rin ito naisasakatuparan sapagkat marami naman ang hindi ginagawa ang kanilang parte o gawain, kaya naman ang aming grupo na ang nagboluntaryong maglinis nito dahil ayaw naman naming manatiling madumi ito at maghintayan na lang kung sinong maglilinis. Ito ay para sa lahat dahil ito ang aming nagsisilbing pangalawang tahanan. Ganun din sa iba pang parte ng paaralan na napakadumi kung saan lahat ay maaaring makasagap ng sakit tulad na lamang ng "allergy" at "dengue" na sadyang nagdudulot ng malaking kapahamakan.
Kami ay nagboluntaryong maglinis upang maiwasan ang pagtaas pa lalo ng kaso ng mga naturang sakit na nakukuha sa loob ng isang maduming paaralan,
4. Sino ang natulungan?
Natulungan namin ang mga guro, estudyante at mga empleyado ng paaralan na maging malinis ang eskwelahan at makaiwas sa malalalang sakit na maaaring makuha sa maduming kapaligiran.
5. Bakit mahalaga ang inyong nagawa?
Hindi na magiging sakit sa paningin ang pagiging madumi ng paligid dahil ang mga basurang kadalasang nakikita ay nalinis na, magbibigay ito ng mas maayos, mas masigla at mas kaaya-ayang lugar para mag-aral. Dahil sa paglilinis, malaki ang tyansa na maiwasan ang mga sakit na dulot ng mga insekto at dumi sa kapaligiran.
6. Natutunan ng bawat miyembro.
Para sa akin kung
ano ang talento na mayroon tayo, gamitin natin itong instrumento sa pagtulong sa ating kapwa
at sa nangangailangan."
-Joana Alegado"
"Kung nakikita mo na may
magagawa ka para sa pagbabago, kumilos kana at huwag hintayin ang iba. Ngunit dapat na siguraduhin na sa paagawa mong ito, ay makakatulong ka sa iba."
-Julian Ariola
![]() |
"Binigyan tayo ng Diyos ng talento at kakayahan
kaya dapat ay gamitin natin ito upang malinang ang pamumuhay at pati na rin ang sa kapwa."
-Joshua Babilonia
|
![]() |
"Sa pagsasagawa ng bolunterismo,
dapat ay tumutulong tayo sai ba kung hanggang saan ang ating makakaya nang walang hinihintay na kapalit o kahit na ano man." -Erika Baclor |
![]() |
"Gamitin sa tama ang kakayahan na mayroon ka at
huwag lamang itong sayangin sa mga bagay na walang kabuluhan."
-Reign Ramos
|
"Tumulong kung hanggang saan ang makakaya kahit maliit
man ito, kung sama-sama naman kayong kikilos ay malaki pa rin ang magiging epekto
nito. Wala sa laki o liit nababatay ang gawa."
-Roland Ferrer
"Sa pagbobolunterismo para sa isang bagay, mahalaga na ito ay hindi labag sa iyong kalooban sapagkat ang pakikilahok at bolunterismo ang magpapatatag ng ating pagkato. Nagagamit din natin ang ating mga talento sa ganitong mga gawain, kaya't hindi dapat tayo maghangad ng kapalit sapagkat kusang loob itong ibinigay. "
-Kryzeah Simeon
No comments:
Post a Comment